Friday, December 21, 2007

myRegalo is myAyala.com

Marami pa sigurong mga Filipino ang hindi nakakaalam ng myAyala website. Ano nga ba ang myAyala website?

Dito sa myAyala website mo makikita ang sari't saring mga bagay na maari mong bilhin tulad ng bulaklak, pagkain, laruan, damit at iba pa para sa mga mahal mo sa buhay, mga kaibigan at mga kakilala.

Ang mga madalas bumisita sa website na ito ay ang mga Filipino na nasa ibang bansa lalong lalo na ang mga nasa Estado Unidos na mayroong mga kaibigan, kamag-anak at kakilala na nasa Pilipinas. Marami ring mga banyagang bumibisita sa website na ito na nagnanais magpadala ng mga bagay-bagay para sa kanilang mga kaibigang mga Filipino na naninirahan sa Pilipinas.

Para sa ating mga Filipino kahit na gaano tayo katanda na, pinapahalagahan pa rin natin ang ating mga magulang at mga nakakatanda sa atin. Hindi natin nakakalimutan silang padalhan o bigyan ng mga mumunting bagay sa mga espesyal na okasyon katulad ng kaarawan, anibersaryo, pasko at iba pang importanteng araw para sa atin.

Buti na lang merong ganitong website na naglalapit sa atin sa mga kamag-anak, kaibigan at kakilala natin kahit na gaano pa tayo kalayo sa kanila. Ang sabi nga nila, " Malayo man, Malapit rin" dahil yan sa myAyala.com!



www.myAyala.com